^

PSN Palaro

WBC President umaasang walang Parkinson’s si Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng kontrobersyal ukol sa pahayag ng isang Filipino neurologist na may sintomas si Manny Pacquiao ng Parkinson’s disease, umaasa si World Boxing Council president Jose Sulaiman na nasa magandang kalagayan si ‘Pacman’.

Ito ang sinabi kahapon ni Sulaiman sa panayam ng BoxingScene.com.

“I pray that Pacquiao has no health problems, because he’s been the biggest star of the past decade and the world boxing owes so much to the Filipino,” ani Sulaiman. “The World Boxing Council awarded him as “The Best of the Decade.”

Sa isang panayam sa kanya ng radio station na DZMM kamakailan, sinabi ni Dr. Rustico Jimenez, ang pre­­sidente ng Private Hospitals Association of the Phi­lip­pines, na may nakikita siyang sintomas ng Par­kinson’s di­sease kay Pacquiao.

Ayon naman kay Michael Koncz, ang Canadian ad­viser ni Pacquiao, walang basehan si Jimenez para sa­bihin ito.

“Tell me how can one make such allegations based on mere speculation as I am not aware that this alleged doc­tor ever examined Manny yet he makes such a diag­nosis,” ani Koncz.

Noong nakaraang taon, dalawang beses natalo ang Fi­lipino world eight-division.

Ang mga ito ay kina Timothy Bradley, Jr. via split de­cision noong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez mula sa isang sixth-round KO loss noong Disyembre 8.

Para sa taong ito, dalawang laban ang gustong gawin ni Pacquiao.

Ngunit ayon kay Fred Sternburg, ang spokesman pa­ra sa Top Rank Promotions, dadalhin muna ni Bob Arum si Pacquiao sa Lou Ruvo Center sa Las Vegas Cleveland Clinic, ang espesyalista sa brain health, kasama rito ang Alzheimer’s, Parkinson’s at Lou Gehrig’s diseases, bago itakda ang kanyang mga laban ngayong 2013.

Plano ng Top Rank na plantsahin ang pang limang banggaan nina Pacquiao at ng 39-anyos na si Marquez ka­sabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng Me­xico sa Setyembre.

BEST OF THE DECADE

BOB ARUM

DR. RUSTICO JIMENEZ

FRED STERNBURG

INDEPENDENCE DAY

JOSE SULAIMAN

PACQUIAO

SHY

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with