MANILA, Philippines - Mula sa Petron Blaze ay susubukan naman ni SerÂbian coach Rajko Toroman ang kanyang suwerte sa Barako Bull.
Matapos makuha ang kanyang release paper mula sa San Miguel Corporation, nakipagpulong naman si Toroman sa management ng Energy Colas para sa poÂsibleng trabaho bilang head coach matapos lumipat si Junel Baculi sa Globalport.
“Management approved Mr. Toroman’s request and wishes him well in his future endeavors,†sabi ng SMC sa kanilang official statement.
Hindi naman nagkasundo sina UST mentor Pido JaÂrencio at ang Barako Bull.
Dahil dito, mananatili pa rin si Jarencio bilang miyembro ng coaching staff ng Petron Blaze ni coach Olsen Racela.
Sinibak ng SMC si Toroman, naging bench tactician ng Smart Gilas Pilipinas bago pinalitan ni Chot Reyes para sa Smart Gilas 2.0, bilang consultant ng Boosters sa kalagitnaan ng eliminations ng 2012-13 PBA Philippine Cup.
Ayon sa 52-anyos na si Toroman, mas gusto niyang maging head coach at hindi consultant.
“I am not a consultant. It’s not in my nature. I am realÂly looking for an opportunity to coach, and there goes the offer (from Barako),†sabi ni Toroman matapos ang kanyang pakikipag-usap sa Barako Bull kahapon sa EDSA Shangrila Hotel sa Mandaluyong City.
Pinagbawalan si Toroman na umupo sa bench ng Boosters nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Racela kaugnay sa papel nito sa koponan.
Bago kunin ng SMC para sa Petron Blaze, iginiya ni Toroman ang Smart Gilas Pilipinas sa pang apat na puwesto sa 2011 FIBA-Asia Men’s Championship na siyang pinakamataas na posisyon na nakamit ng bansa matapos noong 1989.
Si Toroman ang tumulong sa Iran para makakuha ng tiket sa 2008 Olympic Games sa Beijing matapos magkampeon sa 2007 FIBA-Asia Men’s Championship.