Balik aksyon sa Toby’s volleyfest

MANILA, Philippines - Magbabalik ang aksyon sa Toby’s Junior Volleyball League ngayon sa pamamagitan ng anim na laro sa Quorum Sports Arena sa Pasig City.

Mangunguna ang Hope Christian High School sa mga sasalang at kalaro nila ang St. Joseph College sa unang laro sa ganap na alas-10 ng umaga.

Patok ang HCS tossers matapos ang 25-12, 25-14, straight sets na panalo sa De La Salle-Lipa B noong Dec.  9 sa Girls A division.

Ikalawang panalo ma­tapos ang tatlong laro ang hanap naman ng MGC New Life Christian Aca­demy  sa pagsukat sa DLS-Zobel (0-1) sa alas-11 ng umaga sa Girls B sa pala­rong itinataguyod ng Toby’s Sports at suportado rin ng Shakey’s Pizza, Mikasa at inorganisa ng Metro Sports.

Sasalang sa unang pagkakataon ang SJC sa boys division laban sa Rafael Palma Elem. School sa ganap na ika-1 ng hapon bago sumunod ang bakbakan ng De La Salle-Lipa at Oranbo Elem. School dakong alas-2.

 

Show comments