MANILA, Philippines - Kinilala ng Asian Football Confederation (AFC) ang pagpapakahirap ng Pilipinas na mapalakas ang football sa bansa.
Sa isang kalatas na ginawa ni Dato Alex Soosay, General Secretay ng AFC, para kay Atty. Edwin Gastanes, ang acting GeÂneral Secretary ng Philippine Football Federation (PFF), kanyang ipinabatid na ang local team na Global FC ay makakasali na sa AFC President’s Cup sa taong ito.
“We are pleased to inform you that the Organizing Committee of the AFC President’s Cup and Challenge Cup as well as the AFC Competitions Committee have approved Global FC’s participation in the AFC President’s Cup 2013,†wika ni Dato Soosay.
Ang Global FC ay koponang pag-aari ni Azkals team manager Dan Palami na naglalaro rin sa United Football League.
Ang koponan ang kampeon sa UFL League para maimbitahan sa 2013 AFC President’s Cup.
Ito ang unang pagkakaÂtaon simula itinatag ang President’s Cup noong 2005 na may koponan mula sa Pilipinas ang maglalaro.
Ang liga ay para sa mga football clubs sa papasibol na bansa sa football at ang Pilipinas ay maihahanay na rito matapos tanggapin ang aplikasyon upang masali sa kompetisyon.
Ang ikasiyam na edisÂyon ay lalahukan ng 12 bansa at bukod sa Pilipinas, kasali rin ang Dhaka AbaÂhani ng Bangladesh, Druk Pol ng Bhutan, Boeung Ket Rubber Field ng Cambodia, Taiwan Power CompaÂny ng Chinese Taipei, Dordoi Bishkek ng Kyrgyzstan, Erchim ng Mongolia, Hilal Al-Quds ng Palestine, Balkan ng Turkmenistan at mga walang pang pangalang koponan mula Nepal, PakisÂtan at Sri Lanka.
Ang Group stage ay gagawin mula Mayo 2 hanggang 12 habang ang Final stage ay mula SetÂyembre 23 hanggang 29.
“Looking forward to Global FC’s participation in the AFC President’s Cup 2013. Soon, I see more clubs playing internationally,†ani Palami sa kanyang official twitter.