^

PSN Palaro

POC magsasagawa ng 2-araw na planning session

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikita ang dedikas­yon ng bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa isasagawang dalawang araw na planning session.

Ang pagpupulong na bukas lamang sa POC ay gagawin mula Enero 8 hanggang 9 at inaasahang ilalatag sa pagpupulong na ito ang  balak ng bagong liderato para maisaayos ang Philippine Sports.

Mauupo sa ikatlong sunod na termino si Jose Cojuangco Jr. bilang pa­ngulo pero may  mga ba­gong dugo ang lumusot sa halalan na pinaniniwalaang makakatulong para umayos ang palakasan ng bansa.

“I feel we have a good team now at the POC,” wika ni triathlon president Tom Carrasco Jr. na mauupo sa unang pagkakataon bilang chairman ng National Olympic Committee.

Hinihingi rin ni Carrasco sa lahat ng nasasakupan ng POC na bigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho at ang panguna­hing isasaalang-alang ay ang tulungang maibangon ang Philippine Sports.

Pangunahing torneo na pinaghahandaan ng ban­sa ay ang SEA Games sa Myanmar na kung saan ang bansa ay magbabakasakaling bumangon mula sa pinakamasamang pang-anim na  puwesto sa standing bitbit ang 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals.

“I am hopeful that a strong sports organization will come out after the two-day planning session,” wika pa ng chairman.

CARRASCO

ENERO

HINIHINGI

JOSE COJUANGCO JR.

MAKIKITA

MAUUPO

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS

TOM CARRASCO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with