3-Fil-Am titles sinikwat ng Team Surigao ni Barbers

MANILA, Philippines - Inangkin ng Team Surigao ni dating Congressman Ace Barbers ang re­cord na tatlong division championships, kasama dito ang Fil-A at ang Am-A titles, sa katatapos na 63rd Fil-Am Invitational Tournament sa Baguio City.

Kumolekta ang Team Surigao I, binubuo nina Ramon Capistrano, John Bertis, Roy Abalos, Ed Lopez at Carlo Packing, ng kabuuang 434 points sa four-day event na idinaos sa Camp John Hay Golf Club sa unang dalawang rounds at sa Baguio Golf and Country Club sa huling dalawang rounds.

Tinalo ng koponan ang Fil-A, 429), Haciendas de Naga (418), Rural Bankers II (403), Villa Cacho (400), Subic Gas (390), Baguio Golf Club (389) at ang Macquarie Links (374).

Sa Am-A championship, inangkin ng Team Surigao I ang korona mula sa 389 points nina Barbers, Efren Alvez, Bing Alcantara, Benny Hurtado at Cesar Lacuna para biguin ang Forest Hills Country Club (388).

Ang iba pang golf teams na tinalo ng Surigao sa Am-A ay ang Mizuno Superstars (382), Benlife I (368), Fil-Am Chicago (328), Baguio Ventures II (327), Fil-Am League of Golfers-Chicago (325) at ang Darwin Golf Club Australia (263).

Ang Team Surigao champion team sa Fil-E division ay kinabibilangan naman nina Ely Polinag, Nong Madrid, Ariel Javelosa, Vic Se at Orly Mabutas na tumapos na may 313 points.

Ang iba pang miyembro ng Team Surigao sa naglaro sa iba’t ibang dibisyon ng Fil-Am tournament ay sina actor/host Epy Quizon, Hebert Magsino, Allen Buan, Marlon Leano, Jorge De Castro, Rene Estepa, Banjo Navarro at Ed Brocal.

 

Show comments