^

PSN Palaro

Bobcats tumiklop sa Heat

Pilipino Star Ngayon

CHARLOTTE, N.C.--Lumaki si LeBron James na pina­panood ang wrestling.

Nang maglakad ang wrestler na si Ric ‘’The Na­ture Boy’’ Flair sa arena, alam ng isa sa pinakama­hu­husay na entertainers kung paano magpasikat.

At ito ay ginawa ni James. Humakot ang 2012 MVP ng 27 points, 12 rebounds at 8 assists para ipa­lasap ng Miami Heat sa Charlotte Bobcats ang ka­nilang pang-16 sunod na kamalasan sa bisa ng isang 105-92 panalo.

Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 29 points at 9 rebounds, habang may 17 points si Mario Chal­mers para sa Heat na binuksan ang kanilang four-game trip.

Apat na slam dunks ang isinalpak ni James sa inisyal na limang minuto para sa ma­agang ratsada ng Heat pa­tungo sa kanilang pang anim na dikit na panalo.

Isang 9-0 bentahe ang kinuha ng Miami sa likod ng isang 3-pointer ni Chalmers at tatlong sunod na dunks ni James at isa ni Chris Bosh, tumapos na may 14 points.

Humugot si James ng 11 points sa first quarter ang walo ay mula sa kanyag mga fast-break dunks bukod pa sa 4 steals at 4 rebounds.

Habang hindi naiwanan ang Heat at nagtala ng isang 19-point lead, hindi naman nila kaagad matapos ang Bobcats, naglaro na wala sina starting center Byron Mullens, guard Ben Gordon at forward Tyrus Thomas dahil sa injuries.

Naibaon sa 17-point deficit sa halftime, nakadikit ang Bobcats sa 82-84 sa 7:16 sa fourth quarter nang makumpleto ni Ge­rald Henderson ang isang three-point play.

Ngunit tumipa si James ng isang 3-pointer, umiskor si Wade ng mga jumpers at nagdagdag ng tres si Shane Battier para sa 11-3 take ng Miami upang tuluyan nang makalayo sa Charlotte.

BEN GORDON

BYRON MULLENS

CHARLOTTE BOBCATS

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

MARIO CHAL

MIAMI HEAT

SHANE BATTIER

SHY

TYRUS THOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with