Donaire ESPN fighter of the year
MANILA, Philippines - Kinilala ng nirerestepong ESPN si Nonito Donaire Jr. bilang kanilang Boxer of the Year matapos ng kahanga-hangang apat na naipanalong laban sa taong 2012.
Sa panulat ng nireres-petong si Dan Rafael, si-nabi niyang hindi naging mahirap sa ESPN ang pagpili kay Donaire dahil bukod-tangi siya na nanalo sa apat na hinarap na laban at lahat ng humarap ay pare-parehong humalik ng lona.
“Donaire at 30, easily handled the move up in weight, winning all four fights in dominant fashion. He dropped each of his trailblazing approach to drug testing. He is the only fighter in the world who has signed on with the voluntary Anti-Doping Association for random urine and blood testing 24 hours a day, seven days a week, 365 days in a year. This is an era when every great performance unfortunate comes under the suspicion of possible performance-enhancing drug use, except, of course, Donaire,” wika ni Rafael.
Sa taong ito nagsisyon si Donaire na umakyat ng super bantamweight at apat ang kanyang hinarap na sina Wilfredo Vasquez, Jeff Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.
Lahat ng apat na ito at tumumba sa kamao ni Donaire ngunit kina Ni-shioka at Arce tuluyang lumabas ang bangis ng kamao ng tinaguriang Filipino Flash nang manalo siya sa pamamagitan ng 9th round at 3rd round knockout pagkatalo.
Dahil sa pangyayari, sina Nishioka at Arce ay parehong nagretire na.
Si Donaire ang lalabas bilang kauna-unahang Filipino boxer na kinilala ng ESPN bilang kanilang Boxer of the Year sa huling tatlong taon.
Noong 2008 at 2009 huling kinilala ang husay ng ESPN ang husay ng isang Pilipino boxer nang igawad kay Manny Pacquiao ang nasabing prestihiyosong parangal.
Sina Sergio Martinez at si Andre Ward ang tumanggap ng ganitong parangal sa huling dalawang tao.
Tinalo ni Donaire sa parangal si Juan Manuel Marquez matapos ang di inaasahang sixth round knockout panalo laban kay Pacquiao noong Dis-yembre 8 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
- Latest