MANILA, Philippines - Inangkin ng Pakitang Gilas ang NPC basketball tournament matapos talunin ang Customs squad, 70-54, sa kanilang winner-take-all finals sa Congress gym.
Umiskor si Cedelf Tupas ng Philippine Daily Inquirer ng 15 sa kabuuang 25 points ng Pakitang Gilas sa second quarter para tumapos na may 23 points katulad ni Eric Uy.
Ginamit ng Sports Scribes ang kanilang man-to-man defense laban sa Customs patungo sa tagumpay.
Nagdagdag si Chiqui Reyes ng AKTV ng 11 points at nakahugot ng kontribusyon mula kina Aldo Avinante at Christian Jacinto ng philstar.com, AJ Bolando ng Abante, Diego dela Paz ng AKTV, Josef Ramos ng Manila Times, Jeric Lopez ng Manila Standard at Karlo Sacamos ng spin.ph.