^

PSN Palaro

Resma, Victoria kampeon sa PSC-Philta netfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumaan sa magkai­bang ruta sina Roxanne Resma at John Maverick Victoria para angkinin ang titulo sa 18-under sa PSC-Philta Age-Group Tennis Championships na ginawa kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang top seed na si Resma ay nagbigay lamang ng isang set kay Ma. Dominique Ong para sa 6-0, 6-1, panalo at kunin ang titulo sa girls division.

Ginulat naman ng unseeded na si Victoria  ang fourth seed Betto Orendain sa mahigpitang 7-6 (2), 6-4, panalo para hiranging kampeon sa boys division.

Inorganisa ng Philippine Sports Commission at Phi­lippine Tennis Association na suportado rin ng Dunlop Fort ball, nakita rin ang pagsikat uli ni Miko Eala na nanalo ng dalawang titulo.

Napanatili ni Eala ang titulo sa boys’ 12-under nang pabagsakin si Gabriel Tiomson, 6-4, 6-2. Ang panalo ay nangyari matapos ang 6-0, 6-0, love set tagumpay kay Juan Miguel Jugo sa 10-unisex division.

Binawian naman ni Khim Iglupas si Resma nang ibulsa ang girls’ 16-under sa 6-4, 6-4, panalo.

Naunang nanalo si Res­ma kay Iglupas sa semis sa 18-under division.

Hindi rin nasayang ang laro ni Orendain dahil siya ang kampeon sa boys’ 16-under nang lusutan ang third seed Stefan Suarez matapos ang tatlong mahigpitang set, 6-4, 3-6, 6-4.

Ang unranked na si Monika Therese Cruz ay nagdomina sa girls’ 14-under nang pataubin ang fourth seed Chloe May Saraza, 6-1, 7-5, habang si Allesi Vicencio ang reyna sa girls’ 12-under nang manalo kay Bettina Bautista, 7-6 (5), 6-1.

vuukle comment

ALLESI VICENCIO

BETTINA BAUTISTA

BETTO ORENDAIN

CHLOE MAY SARAZA

DOMINIQUE ONG

DUNLOP FORT

GABRIEL TIOMSON

JOHN MAVERICK VICTORIA

JUAN MIGUEL JUGO

KHIM IGLUPAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with