Yap, Devance nagtulong sa panalo ng Mixers tabla sa 1-1

MANILA, Philippines - Nagtuwang sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap at Joe Devance sa ratsada ng Mixers sa third period patungo sa pagtatabla sa kanilang best-of-seven semifinals series ng Elasto Painters sa 1-1.

Humugot si Yap, sina­sabing may right knee injury, ng 16 sa kanyang game-high 34 points sa third quarter, habang umiskor naman ng 12 si Devance para ihatid ang San Mig Coffee sa 106-82 paggiba sa Rain or Shine sa Game Two sa kanilang semifinals duel para sa 2012-2013 PBA Philippine Cup kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nauna nang tinalo ng Elasto Painters ang Mi­xers sa Game One, 91-83, noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

“Nu’ng Game One, parang masyado kong pina­pahirapan ang sarili ko eh. Parang drive ako nang drive, nakalimutan ko palang may outside shooting ako,” sabi ni Yap, nagposte ng 7-for-12 shooting sa three-point range bukod pa sa kanyang 10 rebounds. “So ang ginawa ko outside shooting na lang. May mga screen din na dumadating kaya nalilibre ako.”

Aminado rin si Yap na may injury siya sa kanang tuhod bago ang Game Two.

“Muntik nang bumigay sa Game One. Msakit pa rin pero hanggang kaya maglalaro ako. Medyo nabugbog lang,” wika ng dating kamador ng University of the East Red Warriors sa UAAP.

Mula sa maliit na 40-38 abante sa halftime ay nag-init ang San Mig Coffee sa likod nina Yap at Devance para iwanan ang Rain or Shine sa 64-52 sa 4:19 sa third period kasunod ang pagkakatalsik ni coach Yeng Guiao sa 4:06 dahil sa kanyang ikalawang technical foul.

Ang technical freethrow ni Mark Barroca at basket ni Devance ang nagbigay sa Mixers ng 15-point lead, 67-52, sa 3:52 ng third quarter patungo sa kanilang 20-point advantage, 96-76, sa huling 3:59 ng final canto.

At mula dito ay hindi na bumitaw ang San Mig

Nagposte sina Devance at Barroca ng tig-points para sa Mixers kasunod ang 13 ni Simon at 9 ni Pingris.

 

Show comments