Bryant humataw sa panalo ng Lakers

Sinagasaan ni Kobe Bryant ng Lakers si Bismack Biyombo ng Charlotte Nobcats.

LOS ANGELES -- Ang talunin ang Charlotte Bobcats ng isang puntos ay hindi sukatan kaugnay sa sitwasyon ng Los Angeles Lakers.

Matapos talunin ang Philadelphia 76ers at Wa­shington Wizards, isinunod naman ng Lakers ang Charlotte Bobcats, 101-100, kung saan umiskor si Kobe Bryant ng apat sa kanyang 30 points sa huling 1:26.

Kinailangan pa ng La­kers na bumangon mula sa isang 18-point third quarter deficit para lusutan ang Bobcats.

Ang susunod na haharapin ng Lakers ay ang Golden State Warriors sa Sabado at ang New York Knicks sa Christmas Day.

Nagdagdag naman sina Jodie Meeks at Metta World Peace ng tig-17 points para sa Lakers, nasa kanilang ikatlong sunod na panalo ngayong season.

Nag-ambag si Pau Ga­sol ng 10 points at 9 rebounds sa  loob ng 30 minuto matapos iupo ang walong laro dahil sa tendinitis sa magkabila niyang tuhod.

Hindi naman nakasama si World Peace, nagtala ng career-high 16 rebounds sa 111-98 tagumpay kontra sa Philadelphia noong Linggo, sa starting lineup sa unang pagkakataon matapos ang 25 laro.

Pinangunahan naman ni Kemba Walker ang Charlotte mula sa kanyang 28 points.

 

Show comments