Diretsong 10 sa Clippers

AUBURN HILLS, Mich. --Nagposte si Jamal Crawford ng 15 points at may 14 naman si Chris Paul para tulungan ang Los Angeles Clippers sa pagsikwat sa kanilang pang 10 sunod na panalo mula sa 88-76 paggupo sa Detroit Pistons.

Walang Clippers player na umiskor ng mahigit sa 15 points, ngunit may lima silang players na naglista ng double figures.

Tumipa si Blake Griffin ng 15 points para sa Los Angeles.

Nagsalpak si Griffin ng dalawang breakaway dunks sa huling 30 second, ang isa ay mula sa pasa sa back­board ni Matt Barnes.

Pinangunahan naman ni Brandon Knight ang Pistons sa kanyang 16 markers kasunod ang 15 ni  Tayshaun Prince.

Nagtala ang Detroit ng 17 turnovers para sa ka­nilang pang limang dikit na kamalasan.

Kinuha ng Clippers ang 42-40 lamang sa first half bago nagposte ng isang 12-point advantage sa third period laban sa Pistons.

Nakalapit ang Detroit sa 60-63 sa dulo ng naturang yugto sa likod ng 13 points ni Prince at hindi na nakadikit pang muli sa Los Angeles.

 

Show comments