^

PSN Palaro

Phl team na ilalaban sa 2013 Myanmar SEA Games, maagang sasanayin ng PSC para sa target na 80-golds

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pambansang de­le­­­gasyon na ilalaban sa Myanmar SEA Games na makahablot ng 75 hanggang 80 ginto sa pinakama­laking torneo na lalahukan ng bansa sa 2013.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, hin­di na unang puwesto ang iisi­ping makuha ng Pambansang delegasyon kundi ang bilang ng gintong medalya na dapat na mapanalunan na lamang ang pagpupursigihan para matiyak ang pagbangon ng Pilipinas sa mahinang ipinakita noong 2011 SEAG sa Indonesia.

“Hindi na number one ang tatargetin natin kundi ang manalo ng 75 to 80 gold medals. If we were able to do that, I think we will have a good performance,” wika ni Garcia.

Gumugulong na ang paghahanda para sa SEA Games dahil inilagay na nila sa priority list ang mga atletang nanalo ng me­dal­ya sa Indonesia.

May 100 bilang mula sa 180 kabuuan ang pu­mir­ma na ng kontrata upang ibuhos lamang ang panahon sa pagsasanay at susuklian ito ng PSC ng buwanang allowances na P40,000, P30,000 at P25,000 kung ang atleta ay nanalo ng ginto, pilak at bronze medal noong 2011.

Nakaplano na rin sa PSC ang paggamit sa mga MOUs na pinirmahan sa sports bodies ng ibang bansa para dito pagsanayin ang mga piling manlalaro habang ang pondo ay hindi rin magiging problema dahil may natipid silang pera sa taong ito.

Hangad ng Pilipinas na makabangon mula sa ikaanim na puwestong pagtatapos sa Indonesia matapos magtala lamang ng 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals.

 

AYON

GARCIA

GUMUGULONG

HANGAD

MYANMAR

PAMBANSANG

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with