^

PSN Palaro

16th ASEAN university games 2: gold sa Pinoy Jins

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumubra ng dala­wang ginto ang mga jins na ka­sama sa Team UAAP-Phi­lippines sa 16th ASEAN University Games noong Biyernes sa Vientiane, Laos.

Sina Christian Al dela Cruz at Ernest John Mendoza ang nagbigay ng karangalan sa delegasyon  sa men’s welterweight at middleweight divisions.

Tinalo ng UAAP MVP Dela Cruz si Pham Huu Son ng Vietnam, 8-4, habang nanalo sa pamamagitan ng disqualification si Mendoza kay Sawatvilay Phimmasone ng Laos.

May dalawang bronze ang kinubra ng delegasyon sa katauhan nina jin Jane Narra at diver Rebecca Pahoyo para sa koponan na naalpasan na ang isang ginto na naiuwi ng Pilipinas sa Chang Mai dalawang taon na ang nakararaan at hatid ni Izel Masungsong sa women’s lightweight sa taekwondo.

Sa iba pang resulta, napatalsik na si Toby Gadi sa men’s badminton nang natalo sa katunggali mula Malaysia at Indonesia sa 1-4 iskor.

Hindi rin pinalad ang mga panlaban sa poomsae na sina Frances Beatrice Alarilla at Raymund Ed Dominic Bernejo na tumapos lamang sa ikaanim na puwesto sa mixed division.

Ang Malaysia ang siyang nangunguna sa medal race sa kinolektang 9 ginto, 4 pilak at 12 bronze bago sumunod ang Vietnam, 8-10-16, Laos, 8-6-9, at  nag­­dedepensang kam­peong Thailand, 4-7-9.

 

vuukle comment

ANG MALAYSIA

CHANG MAI

DELA CRUZ

ERNEST JOHN MENDOZA

FRANCES BEATRICE ALARILLA

IZEL MASUNGSONG

JANE NARRA

PHAM HUU SON

RAYMUND ED DOMINIC BERNEJO

REBECCA PAHOYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with