^

PSN Palaro

88TH NCAA Women’s Volleyball Lady Altas pinirata ang Pirates

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nagbabago ang tikas ng laro ng nagde­depensang kampeon na University of Perpetual Help sa 88th NCAA volleyball na kahapon ay nagdaos ng laro sa The Arena sa San Juan City.

Nagtambal sa kabu­uang 39 puntos ang mga pambatong sina Honey Royse Tubino, Sandra delos Santos at April Anne Sartin upang ibigay sa Lady Altas ang 25-14, 25-16, 25-21, panalo laban sa Lyceum sa women’s division.

Kinapos lamang ng isang minuto ang laban pa­ra umabot ng isang oras at ang magkasunod na kills nina Sartin at Norie Jane Diaz ang tumapos sa pagsusumikap ng Lady Pi­rates na makatikim ng isang set na panalo tungo sa 3-0 sweep ng Perpetual.

May 11 kills at 2 blocks si Tubino, 9 attack points ang hatid ni Sartin habang apat na service aces at dalawang blocks ang naibigay ni Delos Santos at ang Lady Altas ay umabante sa 4-0 at 18-0 kung isasama ang sweep tu­ngo sa kampeonato no­ong nakaraang taon.

Ito ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng Lady Pirates na humugot lamang ng puntos sa limang man­lalaro sa pangunguna ni Analee Paredes sa kanyang pitong puntos.

Isa sa naitalang 14 puntos ang nangyari sa kills pa­ra kay Jay Dela Cruz upang bitbitin ang Altas sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa 25-18, 25-19, 25-19, panalo sa Pirates.

May 13 puntos si Edmar Sanchez, 11 ang ibinigay ni Adam Daquer, tampok ang 5 blocks, habang 10 ang kay Ralph Savellano pa­ra ma­ipagpatuloy ng Altas ang hindi pagbibigay ng set win matapos ang apat na na­katunggali.

Sinungkit naman ng 22-time women’s champion San Sebastian ang ika­lawang panalo matapos ang tatlong laro sa pama­ma­gitan ng 25-11, 25-15, 25-17, panalo sa Mapua na tumagal lamang ng 46 mi­nuto.

Nakumpleto ang pamamayagpag ng Baste nang humataw ang Stags ng 25-20, 25-18, 25-19, tagum­pay sa men’s division.

 

vuukle comment

ADAM DAQUER

ALTAS

ANALEE PAREDES

APRIL ANNE SARTIN

DELOS SANTOS

EDMAR SANCHEZ

HONEY ROYSE TUBINO

JAY DELA CRUZ

LADY ALTAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with