Ateneo XI wagi sa FEU

 MANILA, Philippines - Tinalo ng De Manila Uni­versity ang Far Eastern University, 1-0, para patuloy na hawakan ang top spot sa University Athletic Association of the Philippines men’s football sa Erechun field sa loob ng Ateneo cam­pus.

Ang goal ni Michael Mabanag sa pang 37th minute ang nagbigay sa Ateneo ng 1-0 bentahe patungo sa second half.

Nahirapan naman ang main striker ng FEU na si Jesus Melliza, umiskor ng 4 goals sa tatlong laro, sa na­turang laro bunga na rin ng mahigpit na depensa ng mga Blue booters.

Tangan ngayon ng Blue Eagles ang 10 points mula sa tatlong wins at isang draw.

Nahulog ang FEU sa 2-1-0 win-loss-draw slate para sa 6 points katabla sa ikalawang puwesto ang De La Salle University at Uni­versity of Santo Tomas (UST).

Pinayukod naman ng De La Salle University (2-2-0, 6 points) ang UST (2-2-0, 6 points), 3-1, sa likod ng mga goals nina David Diamante sa 60th at 79th minute at Fedricco Rabaya sa 70th minute.

Nagtabla sa 2-2 ang nagdedepensang University of the Philippines (1-1-1, 4 points) at bagitong Na­tional University (0-2-1, 1 point).

 

Show comments