HOUSTON--Hindi magkukumpiyansa si Nonito Donaire Jr. sa kanilang laban ni Jorge Arce ngunit ang panalo sa Mexican fighter ang magbubukas ng mas magandang oportunidad para sa kanya sa susunod na taon.
“It’s just the beginning, hopefully. Just keep on winning, that’s the main thing,” sabi ni Donaire dalawang araw bago niya itaya ang kanyang WBO super-bantamweight title.
Sinabi naman ng promoter ni Donaire na si Bob Arum na tatanggap ang 30-anyos na Filipino ng halos $1 million para sa kanilang laban ni Arce sa Toyota Center.
“This is his biggest purse. It’s seven digits,” wika ni Arum kay Donaire, nasa kanyang pang apat na laban ngayong taon at may tsansang makamit ang Fighter of the Year honors.
Masaya ngayon si Donaire matapos magmakaawa na makakuha ng laban noong 2008 kung saan bilang isang IBF flyweight champion ay isang beses lamang siya nakalaban.
Sinabi niyang sasamnatalahin na niya ang pagkakataon.
“It’s better now because then I was small and there wasn’t much network buying the smaller division. But when I went to 122, they want me to fight more on their network,” sabi ni Donaire.
Sa kanyang panalo kay Japanese Toshiaki Nishioka noong October, tumanggap si Donaire ng halos $800,000.
“The more I reach a higher level in weight, the more that they’ll put me in their network,” dagdag pa ni Donaire sa main lobby ng Hyatt Regency sa Houston.
Nag-shopping sina Donaire at asawang si Rachel dahil may sapat siyang pera at nag-eensayo tuwing gabi.