Mariners, Blue Thunder umiskor ng panalo sa NCRAA

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng nagdedepensang champion Philippine Merchant Marine School at Rizal Technological University ang kani-kanilang pagpapasikat sa 20th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament.

Sumandig ang Mariners sa mainit na laro sa se­cond period at nakakuha pa ito ng sapat na lakas mu­la kay Dan Reverente nang gulatin ang La Salle-Dasmariñas Patriots, 85-60 sa Rizal Memorial Technological University gymnasium sa Mandaluyong City.

Sa iba pang laro, isinalpak ni rookie Elias Saro­na ang winning basket sa hu­­ling 10 segundo ng la­banan para iligtas ang RTU Blue Thunder sa 74-72 ta­gumpay kontra  Emilio Aguinaldo College-Cavite Vanguard.

Ang pagbibidang ito ni Sarona ang naghatid sa Blue Thunder sa ikatlong panalo matapos ang apat na laro at umakyat sa ikalawang puwesto sa likod ng Mariners.

Inilista naman ng PM­MS Mariners ang kanilang ikaapat na sunod na pana­lo sa cagefest na ito na su­portado ng Mikasa at Mol­ten Balls.

Bumandera ang bagitong si Elvin Chan sa Mariners na may 16 puntos.

 

Show comments