MANILA, Philippines - Binigyan nina Filipina riders Camilla Lastrilla at Daniella Virata ng karangalan ang bansa sa nakaraang Federation Equestre Internationational (FEI)-sanctioned international competitions.
Inangkin ni Castrilla ang individual runner-up at ang team honors at pati sa FEI International Showjumping Concours de Saut Junior-B borrowed horse competition na idinaos sa Selangor Turf Club sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sinakyan ng UP-Los Baños veterinary medicine freshman ang kabayong Absolute Zero na walang penalties para sumegunda kay Thailand bet Siensaw Lertratanachai.
Iginiya ni coach Michelle Barrrea, nakipagtambal si Lastrilla sa isang French rider tupang kunin ang team championship laban sa 17 pang koponan.
Ito ang ikalawang major title para sa 18-anyos na rider makaraang makipagtulungan kina Andi Santos, Gabbi Gavieta sa pagkopo sa junior show jumping event ng CSI Korean Racing Authority horse show sa South Korea noong Abril.
Mga alaga ng Equestrian Association of the Philippines na pinamumunuan ni POC president Jose Cojuangco Jr., tinalo ng mga Filipina equestriennes ang mga koponan mula sa Hong Kong, Iran, Korea, Thailand at Chinese-Taipei sa naturang meet.