^

PSN Palaro

Phl Azkals dismayado sa pagkatalo sa Lions

Pilipino Star Ngayon

SINGAPORE--Habang nakahiga ang mga Azkals sa artificial turf, tinakpan ng mga kamay ang kanilang muk­ha at pinigil ang luha sa gitna ng pagdiriwang ng Singapore Lions sa ka­nilang 1-0 panalo kama­ka­lawa ng gabi sa Jalan Ba­ser Stadium.

Ang panalo ng Lions ang nagpasok sa kanila sa finals ng 2012 AFF Suzuki Cup.

Dumiretso si Phl ma­na­ger Dan Palami sa mga Azkals at kinalma ang mga ito at sinabing hindi dito na­tatapos ang kanilang kam­panya.

“It’s one of those occasions when you have to be strong, to show everybody that it’s not the end,” sabi ni Palami sa Azkals na tu­mulak ng isang scoreless draw sa first leg ng ka­nilang semifinal tie ng Lions noong nakaraang Sabado sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.

“But I think we went down fighting so it’s something the boys can be proud of. I will continue to support the team and make sure we get to move on. Maybe 2014 (the next Suzuki Cup) beckons for us. We have to prepare for that again,” dagdag pa ni Palami.

Nagpalakas ang Azkals sa pamamagitan ng paghugot sa ilang high-caliber pros na nakabase sa Europe bu­kod pa sa pagtatayo ng mga training camps at pagsasagawa ng mga friendlies sa buong taon.

“Any loss for me is tough but this one hurts a lot because this is what we’ve been preparing for. But to fold up now will be to even let the team down. We just have to rise from this particular defeat and concentrate on what we have to do in the future,” ani Palami.

AZKALS

BUT I

DAN PALAMI

DUMIRETSO

JALAN BA

PALAMI

RIZAL MEMORIAL STADIUM

SHY

SINGAPORE LIONS

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with