SINGAPORE--Para sa Philippine Azkals, ang pagkampanya sa 2015 AFC Asian Cup ay magsisimula sa Manila sa kanilang pagsabak sa qualifying tournament sa 2014 AFC Challenge Cup.
Makakasama ng Azkals sa qualfiying event ang Turkmenistan, Cambodia at Brunei sa Group E sa hangaring makasikwat ng tiket patungo sa final round ng Challenge Cup sa Maldives sa 2014.
Ang bawat mananalo sa limang grupo at ang dalawang best second-placers sa qualification phase ang maglalaro sa naturang torneo sa Marso 8-23, 2014 sa Maldives.
Ang magkakampeon sa 2014 Challenge Cup ang makakakuha ng puwesto para sa Asian Cup kasama ang Asian champion Japan, 2011 third placer South Korea, 2011 runner-up at host Australia at ang 2012 Challenge Cup titlist North Korea.
Ang Challenge Cup qualifiers na inaasahang gagawin sa Rizal Memorial Football Stadium ay nakatakda sa Marso 2-6, 2013 kung saan ang Turkmenistan ang makakasagupa ng Azkals.