^

PSN Palaro

Azkals, Lions draw sa 0-0

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Samantala, tutulong ang Azkals para makabangon ang mga nasalanta ng Bagyong Pablo sa Mindanao.

Ito ay matapos ihayag ng mga kasapi ng Azkals ang kanilang pagpayag na magbigay ng pinansyal na tulong na magmumula sa kanilang makukuhang bonus sa paglalaro sa kopo­nan kontra sa Singapore.

Nasa kontrata ng bawat kasapi ng Azkals ang pagkakaroon ng bonus sa tu­wing may makukuhang pa­nalo sa mahahalagang torneo tulad ng AFF Suzuki Cup.

Nasa semifinals na ang Azkals at may kaukulang pabuya ito na manggaga­ling kay team manager Dan Palami at ito ang ipantutulong ng Azkals sa mga nabiktima ng malakas na bagyo.

“They would like to donate whatever bonus they’re getting for relief efforts of our brothers and sis­ters in Southern Minda­nao,” wika ni Palami.

Naniniwala rin ang Azkals officials na maaring may pumasok pang tulong matapos ang inasta ng Pambansang koponan.

 

AZKALS

BAGYONG PABLO

DAN PALAMI

MINDANAO

NANINIWALA

PALAMI

PAMBANSANG

SOUTHERN MINDA

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with