Juan Ma sa Judges: ‘Maging patas kayo’
LAS VEGAS--Labis-labis ang pagkadismaya ni Jaun Manuel Marquez sa ikatlong kabiguan kay ni Manny Pacquiao noong Nobyembre ng nakaraang taon, ang nagtulak kay Juan Manuel Marquez upang hamunin sa ikaapat na pagtutuos ang Pambansang kamao.
At magaganap na ito ngayon.
“After the third fight I was very upset. But I said to myself what’s the point so after a while I sat down with my team and my family,” wika ni Marquez.
“We thought might be there’s an opportunity for a fourth fight. It may not be realistic then but here it is now,” dagdag pa ng Mexican counterpuncher.
At sa Sabado (Linggo ng tanghali sa Manila), muling mapapasabak si Marquez kay Pacman para sa kanilang huling paghaharap.
Sa tatlong pagkakataon na nagkaroon ng tsansa si Marquez sa bawat okasyon--palagi na lang siyang bigo sa mga mata ng judges--na kanyang sinisi sa nalasap na dalawang pagkatalo at maging ang draw.
At sa pagkataong ito, isa lang ang panawagan ni Juan Ma sa mga judges-- na sina Adelaide Byrd ng Las Vegas, Steve Weisfeld ng New Jersey at John Keane ng England--ang magkaroon ng patas na desisyon upang tuluyan nang matuldukan kung sino sa kanilang dalawa ni Pacquiao ang tunay na nanalo.
- Latest