^

PSN Palaro

Bautista sibak sa World Youth Championships Bornea sigurado na sa bronze

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pag-ani ng atensyon ng batang boksingero na si Jade Bornea upang patuloy na kumikinang ang laban ng Pilipinas sa 2012 AIBA World Youth Championships sa Karen Demirchyan Sports and Concerts Complex sa Yerevan, Armenia.

Walang takot na hinarap ng 17-anyos at tubong South Cotabato na si Bornea ang British Champion­ships gold medalist na si Jack Bateson at kanyang pinaulanan ito ng suntok tungo sa 16-12 panalo sa quarterfinal round ng prestihiyosong torneo sa boxing.

Hindi binigyan ni Bornea ng puwang ang British boxer na magkaroon ng kum­piyansa dahil nangiba­baw siya sa tatlong rounds na pinaglabanan sa 4-3, 6-5 at 6-4 iskor, upang angkinin na rin ang bronze medal sa light flyweight di­­vision.

Nasa semifinals na si Bornea at puwede pa niyang ibahin ang kulay ng medalyang napanalunan kung tatalunin si Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekis­t­an.

Si Akhmadaliev ay pumasok din sa semifinals bit­bit ang kumbinsidong 24-14 panalo laban kay Gandulam Mungun-Erdene  ng Mongolia.

Ang panalong ito ni Bornea ang pumawi sa 12-19 pagyukod ni flyweight Ian Clark Bautista kay Kurt Walker ng Ireland para ma­maalam na sa torneo.

Tatlong malilinaw na suntok ang pinakawalan ni Walker para hawakan ang 6-3 kalamangan matapos ang first round.

Mula rito ay hindi na nakuha pa ni Bautista ang tunay na laro at nawalan na ng kumpiyansa matapos ang second round na dinomina pa rin ng katunggali, 6-4, tungo sa 12-7 bentahe.

Bukod kay Bautista ay pahinga na sina Felix Eumir Marcial at Jonas Bacho.

Pahinga ang mga boksingero noong Miyerkules at tiyak na gagamitin ng kampo ni Bornea ang ba­­gay na ito para mas ma­pag-aralan ang istilo ng 18-anyos na si Akhmadaliev para matalo ito.

BAUTISTA

BORNEA

BRITISH CHAMPION

FELIX EUMIR MARCIAL

GANDULAM MUNGUN-ERDENE

IAN CLARK BAUTISTA

JACK BATESON

JADE BORNEA

JONAS BACHO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with