^

PSN Palaro

Guirado, Cagara pinayagan nang lumaro sa Azkals vs Singapore

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkaibang sitwasyon ang kinakaharap ng AFF Su­zuki Cup semifina­lists Philippine Azkals at Sin­ga­­pore Lions hinggil sa ka­nilang mga players para sa first leg sa Sabado sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nakatanggap ang Az­kals ng komunikasyon mu­la sa 3. Fußball-Liga side Karlsruher SC at Indian League club Salgaocar FC na ipinapahiram nila sa Azkals sina Fil-Danish defender Dennis Cagara at Fil-Spanish Angel Guirado, ayon sa pagkakasunod.

“It will be important to have a near full-strength team against a strong team like Singapore,” ani Azkals team manager Dan Palami. “Dennis is an experienced player at the back and he will surely boost our defense while Angel provides us with the spark, especially in counter-attacks.”

Hindi naman makaka­laro si Fil-Danish Jerry Lucena dahil may laro din sa Sabado ang kanyang ko­ponang Esbjerg fB sa Danish Superlig.

Ngunit umaasa ang Azkals na makakalaro siya sa second leg sa Disyembre 12 sa Singapore.

Sa panig ng Lions, hindi naman makakalaro sina Chinese-born winger Shi Jiayi at midfielder Hariss Harun.

Si Shi, isang natura­li­zed player at naglaro sa tat­long laban ng Singapore sa group stages, ay nagbalik sa Shanghai para sa isang family emergency, ayon sa AFF Suzuki Cup’s official website.

AZKALS

DAN PALAMI

DANISH SUPERLIG

DENNIS CAGARA

FIL-DANISH JERRY LUCENA

FIL-SPANISH ANGEL GUIRADO

HARISS HARUN

INDIAN LEAGUE

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with