^

PSN Palaro

Dahil kay ‘Pablo’ aksyon sa BP National Finals kanselado

Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY, Philippines --Dahil na rin sa inaasahang paghampas ng bagyong si ‘Pablo’, nagdesisyon ang mga organizers ng Philippine Sports Commission-Phi­lippine Olympic Committee Batang Pinoy 2012 National Finals na ipagpaliban ang pagsisimula ng mga aksyon ngayong araw.

Ang mga laro sa walong sports disciplines ay lalaruin bukas, ayon kay overall pro­ject director Atty. Jay Alano,

“Just for the safety of the participants, we decided to cancel all the games tomorrow because we expect the typhoon to hit the province on Wednesday,” ani Alano.”

Ang mga events na ipi­nagpaliban ay ang athle­tics, badminton, basketball, chess, lawn tennis swimming, table tennis at taekwondo.

Ang Iloilo City ay nasa ilalim ng Signal  No. 2 matapos tumama si ‘Pablo’ sa Mindanao.

Samantala, itinuloy naman ang opening cere­monies kahapon sa isang covered basketball court imbes na sa naunang pagdarausang Iloilo Sports Complex.

Isang welcome dinner ang ibinigay ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog para sa mga delegado na kalahok sa naturang sports meet para sa mga batang atletang may edad 15-anyos pababa.

Idedepensa ng Laguna, hinirang na Southern Luzon leg champion, ang kanilang korona sa POC-PSC National Finals na hu­ling pinamahalaan ng Naga City noong nakaraang taon.

Isang 300-man dele­ga­tion ng Pangasinan, ti­nanghal na overall titlist sa Northern Luzon leg, ang inaasahang maghahamon sa Laguna bukod pa sa National Capital Region (15), Mindanao (30), Nor­thern Luzon (19), Southern Luzon (30) at Visayas (19).

 

ANG ILOILO CITY

ILOILO CITY MAYOR JED PATRICK MABILOG

ILOILO SPORTS COMPLEX

ISANG

JAY ALANO

MINDANAO

NAGA CITY

NATIONAL FINALS

SHY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with