Roach pinahirapan ni Pacquiao

LAS VEGAS – Maganda ang naging huling araw ng training camp ni Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Ngunit nahirapan naman si trainer Freddie Roach.

Pinanood ng five-time Trainer of the Year sa sulok si Pacquiao na nakipag-spar ng apat na rounds laban sa isang Mexican. Kasunod nito ay ang mitts session.

Matapos ang mitts, sinabi ni Roach kay Pacquiao na ito na ang pinakamalakas na suntok na natanggap niya sa Pinoy superstar.

Natawa lamang si Pacquiao nang marinig ito.

“It’s just a sample,” wika ng Filipino boxing sensation sa gitna ng ring at napapalagiran ng mga reporters.

Show comments