Hobe Bihon tinalo ang Skyforce para sa DELeague title

MANILA, Philippines - Bumangon ang Hobe Bi­hon mula sa kanilang ka­una-unahang kabiguan ma­tapos gibain ang Skyforce Team, 100-89, para ang­kinin ang  2nd DELea­gue Open Invitational Basketball Cup sa Marikina Sports Park.

Hinawakan ng Hobe Bi­­hon ang ‘twice-to-beat ‘ad­­­­v­antage sa finals kontra sa Skyforce, nanalo sa Game One, 97-91.

 Ang Hobe Bihon ay pi­nangunahan ni  Jeff Vier­nes na tumipa ng 22 points kasunod ang 21 puntos ni Christian Jefferson na  iti­nanghal bilang Most  Valuable Player ng ikalawang season ng torneyong itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman.

 Bukod sa eleganteng tro­peo, nakamit din ng Ho­be Bihon ang premyong P150,000.

Nakuha naman ng Skyforce Team ang P75,000.

Tinalo ng Hog’s Breath Café ang dating kampeong Sta. Lucia East Grand Mall, 92-82, para sa ikatlong pu­westo.

 Nagpaabot ng pasasamalat si Mayor Del De Guzman sa mga bumubuo, tu­mangkilik at mga sponsors ng liga katulad ng PCA-Marivalley, OLOPS Col­lege, Jekasa Sportswear, Hobe Bihon, Mckie’s Vi­deo, Simply Delicious at LU­YONG Panciteria.

Show comments