Tabora pasok sa Last 24 sa WC kegfest

MANILA, Philippines - Tanging si Krizziah Ta­bora na lamang ang sasandalan ng Pilipinas para makapagbigay ng karangalan sa idinadaos na 48th Qubica/AMF Bowling World Cup international finals sa SkyBowling Centre sa Wroclaw, Poland.

Si Tabora ay nagpagulong ng 4242 pinfalls o 212.10 average matapos ang 20-game eliminations para malagay sa ika-13 puwesto.

Ang nangunang 24 lady bowlers matapos ang eliminasyon ay umabante at ang mag-aaral ng Mi­riam College ay nakitaan ng mas magandang laro sa huling limang games upang mapababa ang da­ting ika-17th puwesto matapos ang 15 games.

Nanguna sa kababaihan si Shayna Ng ng Singapore sa kanyang 4659 para sa 232.95 average.

Tuluyan namang hindi nakabawi si RJ Bautista sa masamang ipinakita nang ang Busan Asian Games gold medalist ay tumapos sa mahinang 31st place mula sa 82 male bolwers na kasali.

Nagtala ng 4108 iskor si Bau­tista matapos ang 20-games para sa mahinang average na 205.40 tally.

Show comments