^

PSN Palaro

Kaalyado ni Peping ipinasisibak si Lopez

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Opisyal na iluluklok uli bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Jose “Peping” Cojuangco sa gaganaping eleksyon ngayong hapon sa Alabang Country Club.

Walang kalaban si Cojuangco at wala na rin ang pangambang temporary restraining order (TRO) mula sa dating katunggali na si Go Teng Kok upang matiyak na pangungunahan pa rin niya ang orga­nisasyon hanggang 2016.

Ngunit kung magiging matiwasay ang halalan ay hindi pa tiyak lalo pa’t patuloy na umiiral ang balitang diskuwalipikasyon laban kay Manny Lopez na nais na maupo pa rin bilang 1st Vice President.

Naihayag ni Ricky Palou na kasama nina Victorico Chaves at Bro. Bernie Oca na kasapi sa 3-man election committee, na puwedeng kumandidato si Lopez kahit hindi siya ang boboto sa ABAP.

Ngunit iginigiit ng mga NSA officials na kaalyado ni Cojuangco na ihihirit nila ang maalis sa talaan ng mga kumakandidato ang dating ABAP president lalo na kung dumating ang pa­ngulo ng NSA na si Ricky Vargas.

Ganito rin umano ang kaso nina Abraham Tolen­tino at Jun Galindez na mga secretary generals ng chess at golf.

Ang dalawang opisyal ay mga kasama ni Lopez sa kanyang tiket at tumatakbo sa posisyong 2nd VP at auditor.

Ang iba pang kasapi sa nasabing grupo ay  sina Monico Puentevella bilang chairman, Romy Ribano bilang treasurer at sina Victor Africa, Hector Navasero at Gener Dungo bilang mga board members.

Nasa line-up ni Cojuangco sina Tom Carrasco (chairman),  Jose Roma­santa (1st VP), Jeff Tamayo (2nd VP), Julian Camacho (treasurer), Prospero Pichay (auditor) at Jonnie Go, Cynthia Carrion, Ernesto Echauz at Dave Carter.

 

ABRAHAM TOLEN

ALABANG COUNTRY CLUB

BERNIE OCA

COJUANGCO

CYNTHIA CARRION

DAVE CARTER

ERNESTO ECHAUZ

GENER DUNGO

GO TENG KOK

HECTOR NAVASERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with