MANILA, Philippines - Lumalaban pa si Krizziah Tabora para makapasok sa top 24 sa women’s division sa 48th Qubica/AMF Bowling World Cup na idinadaos sa SkyBowling Centre sa Wroclaw, Poland.
Nasa ika-17th puwesto si Tabora matapos ang 15 games sa eliminasyon sa 3092 para sa 206.27 pins average 3551 o 236.73 pins average.
Limang laro pa ang haharapin ni Tabora at kailangan lamang niya na mapanatili ang puwesto para makausad sa susunod na round.
Ngunit nasa peligro si RJ Bautista na bumagsak sa ika-25th puwesto mula sa dating pang-13.
Nangapa si Bautista sa kanyang tunay na porma para magkaroon lamang ng 3118 papasok sa huling limang laro.
Kailangang mapagningas uli ni Bautista ang laban para makahabol sa mga aabante sa susunod na round.
Nakuha nina Tabora, mag-aaral ng Miriam College, at Bautista ang karapatang kumampanya nang pangunahan ang idinaos na national championships sa Manila.
Nangunguna sa kalalakihan na nilahukan ng 82 bowlers si Marshall Kent ng US sa 3453 habang si Shayna Ng ng Singapore ang nagdodomina sa kababaihan na may 69 manlalaro sa 3551.
Hanap nina Bautista at Tabora na bigyang ningning ang Pilipinas na isa sa tinitingala sa World Cup matapos manalo ng apat na titulo si Paeng Nepomuceno.