RJ, Tabora mainit ang simula sa WC kegfest

MANILA, Philippines - Malakas ang laban ng mga bowlers ng bansa na sina RJ Bautista at Krizziah Tabora kung makaabante sa qualifying rounds ng 48th Qubica AMF Bowling World Cup international championships ang pag-uusapan.

Ang torneo ay ginagawa sa SkyBowling Centre sa Wroclaw, Poland at si Bautista ay nasa ika-13th pu­westo sa kalalakihan sa naitalang 2154 matapos ang 10 laro.

Si Tabora na isang mag-aaral ng Miriam College ay may 2108 para malagay sa ika-14th puwesto sa ka­babaihan.

May 82 bowlers ang kasali sa kalalakihan habang  69 ang sa kababaihan at ang mangungunang 24 bowlers ang aabante sa susunod na yugto.

Si James Gruffman ng Sweden ang una sa kalala­kihan sa 2290 habang two-time World Cup champion Aumi Guerra ng Dominican Republic ang lider sa kababaihan sa 2344.

Kapag natukoy ang 24 bowlers, sila ay maglalaro ng ng walong games para malaman kung sino ang papasok sa unang walong puwesto.

Walong games uli ang kanilang haharapin para makita kung sino ang lalabas na top three sa magkabilang dibisyon na maglalaban-laban sa semifinals at finals.

Tinitingala ang Pinoy sa World Cup dahil kay Paeng Nepomuceno na si­yang natatanging bowler na nanalo ng apat na titulo sa prestihiyosong bowling event sa mundo.

Show comments