^

PSN Palaro

GTK umatras na, tuloy ang election

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang isang araw na pagmumuni-muni, minabuti ng kontrobersyal na athletics president na si Go Teng Kok na tapusin na ang gulong kinasangkutan sa Philippine Olympic Committee (POC).

Hindi na itinuloy ni Go ang planong pagsampa sa korte ng Temporary Res­training Order (TRO) para pigilan ang POC election sa Nobyembre 30.

“Maghapon ako na nasa Pasig RTC at handang-handa na akong i-file ang kaso. Pero matapos ang mahabang pag-iisip, mina­buti ko ng huwag ng pigilan pa ang eleksyon,’ wika ni Go sa press conference kagabi.

Binanggit din niya na nakipag-usap din siya kay dating PSC chairman Philip Ella Juico ilang araw na ang nakaraan at pinayuhan siya na itigil na ang laban upang hindi madagdagan ang problema ng Pangulong Aquino na tiyuhin ni POC pre­­sident Jose Cojuangco Jr.

“Naipakita ko na rin sa lahat ang aking kahandaan na lumaban. I  have already proven everything. I won all my 8 cases against POC. Ano pa ang dapat kong i-prove,” wika pa ni Go.

Maging ang puwesto sa PATAFA ay handa na niyang bitiwan sa Enero sa bisa  ng isang eleksyon.

Bago ang pagbaba­gong-isip, si Go ay handa ng isumite sa Pasig RTC ang inihandang motion for preliminary injunction kasama ang Temporary Restraining Order (TRO).

“Hayaan na natin kung sino ang manalo sa grupo nina Peping at Manny Lopez. Kahit ang mga tao ko ay hindi ko didiktahan sa kung sino ang gusto nilang iboto. Ako, hindi rin ako pupunta sa eleksyon para magkaroon ng katahimikan,” ani pa ni Go.

Ang biglang pangyayari ay tumabon sa umuugong na hindi makakatakbo si Manny Lopez sa halalan dahil posibleng hindi siya ang ilagay ng ABAP bilang kanilang kinatawan sa halalan.

Mismong si Ricky Palou na isa sa tatlo-katao sa POC election committee ang nagsabing hindi maaapek­tuhan ang kanyang pag­takbo para manatili sa 1st Vice President post.

 

GO TENG KOK

JOSE COJUANGCO JR.

MANNY LOPEZ

PANGULONG AQUINO

PASIG

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RICKY PALOU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with