CHICAGO -- Buma¬ngon ang Milwaukee Bucks mula sa isang 27-point deficit para wakasan ang kanilang nine-game losing skid laban sa Chicago sa pagkuha ng 93-92 panalo kontra sa Bulls.
Inasahan ni Milwaukee coach Scott Skiles ang kanyang mga reserves para pakawalan ang isang 31-4 run at tapusin ang kanilang three-game losing slump.
Humugot si Ersan Ilya¬sova ng 14 sa kanyang 18 points sa second half para banderahan ang pagba¬ngon ng Bucks laban sa Bulls.
Ibinabad ng Milwaukee sa fourth quarter sina reserves Ilyasova, Epke Udoh, Beno Udrih, Mike Dunleavy at Doron Lamb.
Tumipa si Richard Ha¬milton ng season-high 30 points para sa Bulls ngunit naimintis ang kanyang tira sa pagtunog ng final buzzer.
Nagtala sina John Hen¬son, Udrih at Udoh ng tig-11 points, habang may 10 si Monta Ellis para sa Milwau¬kee.
Sa New York, kinaila¬ngan ng Brooklyn Nets na kumayod ng todo sa overtime upang kumawala sa mahigpit na labanan kontra sa kanilang bagong rivar-ly--ang New York Knicks tungo sa 96-89 pananaig.
Isinalpak nina Jerry Stackhouse at Jackie Rob¬inson ang tiebreaking 3-pointer may 3:31 ang nalalabi sa overtime ang nagbigay sa Nets ng pitong puntos na kalamangan.
Nagtala si Brook Lopez ng 22 puntos at 11 rebounds para sa Nets na pinaganda sa 7-1 ang kanilang record sa bagong tahanan at tumabla sa Knicks sa 9-4 sa Atlantic Division.
Sa iba pang laro, nanalo ang San Antonio sa Wa¬shington, 118-92; Detroit sa Portland, 108-101; Oklahoma sa Charlotte, 114-69 at Utah sa Denver, 105-103.