Brooklyn giniba ang Portland
NEW YORK--Tila naghahanda na ang Brooklyn Nets para sa kanilang paghaharap ng kapitbahay na New York Knicks.
Kumolekta si Deron Williams ng 15 points, 12 assists, 4 blocked shots at 3 steals at pangunahan ang 98-85 panalo ng Nets kontra sa Portland Trail Blazers.
Sinabi ni reserve forward Reggie Evans na ‘’we didn’t have no energy, no life’’ bago sila umarangkada sa fourth quarter kagaya ng kanilang naging panalo laban sa Clippers.
Ang unang paghaharap ng Nets at Knicks ay ipinagpaliban dahil sa pagragasa ni Superstorm Sandy.
Humakot naman si Kris Humphries ng 14 points at 10 rebounds para sa Brooklyn.
Kasalukuyang dala ng Knicks ang 9-3 baraha para sa kanilang best record sa Eastern Conference kumpara sa 8-4 ng Nets.
Umiskor si Brook Lopez ng 15 points para sa Brooklyn, kinuha ang kanilang pang limang sunod na panalo sa Barclays Center.
Sa iba pang laro, pinataob ng San Antonio ang Toronto, 111-106 sa overtime; nanaig ang Boston sa Orlando, 116-110 sa overtime at hiniya ng Denver ang New Orleans, 102-84.
- Latest