Abad pumangatlo sa ASTC Asian Duathlon event

MANILA, Philippines - Naipakita ni Mirasol Abad na isa siya sa mga ma­huhusay na lady duathletes sa rehiyon nang kunin ang ikatlong puwesto sa Cen­tury Tuna ASTC Asian Duathlon Championships ka­hapon sa Remy Field, Subic Bay Freeport.

Ang 27-anyos na si Abad, sumegunda sa Po­werman sa Malaysia no­ong nakaraang linggo, ay na­orasan ng 2:01:57 sa ila­lim nina Japanese two-time Olympian Ai Ueda at Eri Miyazawa.

Si Ueda na nasa kanyang ikalawang duathlon event, ang hinirang na kampeon sa kanyang oras na 2:00:54 kasunod si Mi­yazawa (2:01.47).

Unang lima sa elite class ang aabante at kasama dito sina dating Asian champion Airi Sawada ng Ja­pan (2:04:57) at Joyce Cheung ng Hong Kong (2:07:11).

 

 

Show comments