Cebu City nagdomina sa Visayas leg ng Batang Pinoy

TACLOBAN CITY, Philippines --- Hu­makot ang Cebu City ng 35 sa nakatayang 36 gintong medalya sa dance­sports para banderahan ang pagtatapos ng Visayas Leg ng 2012 PSC-POC Batang Pi­noy.

Kumolekta ang Cebu City ng kabuuang 70 gold, 56 silver at 54 bronze me­dals para dominahin ang na­turang qualifying event pa­ra sa National Finals na na­katakda sa Disyembre sa Iloilo City.

Ang larong dancesport ay isang national finals event katulad ng girls softball at weightlifting.

Kumuha naman ng tig-pi­tong ginto ang Cebu City sa arnis at taekwondo, anim sa chess, lima sa ka­ratedo at tig-tatlo sa swimming at athletics.

Ang Leyte Sports Aca­de­my ang pumangalawa sa medal tally sa itinalang 39-26-27 kung saan ang 32 ginto rito ay nagmula sa athletics.

Pumuwesto sa pa­ngatlo ang Bacolod City sa ka­nilang 32-22-20 medal count.

Sina Remselle Limaco at Kyla Isabelle Mabus ay lumangoy ng tig-anim na gin­to sa swimming events pa­ra sa kabuuang 17 ng Ba­colod City.

Nagtapos sa ikaapat ang Negros Occidental sa kanilang 28-13-13 kung sa­an ang 17 rito ay galing sa pool events sa pangu­nguna nina Dustin Marco Ong at Lorenzo Xavier Abello na may tig-limang gold medals.

Ang Mandaue ang nagdomina sa boxing sa pitong hinakot para malagay sa ika­limang puwesto sa 16-5-9 medal tally.

 

Show comments