^

PSN Palaro

Metta World Peace nagbida sa tagumpay ng Lakers

Pilipino Star Ngayon

DALLAS -- Nagsalpak si Metta World Peace ng tat­long mabilis na three-point shots para sa magandang outside shooting ng Los Angeles Lakers patungo sa kanilang 115-89 paglampaso sa Dallas Mavericks.

Tumipa sina World Peace, Kobe Bryant at Antawn Ja­mison ng tig-19 points para sa Lakers.

“Metta played great. There was no reason not to,’’ sa­bi ni head coach Mike D’Antoni, may 2-2 marka ngayon simula nang umupo sa Los Angeles bench matapos ang isang knee replacement surgery. “‘The force that we had rolling, and the way the ball moves, he’ll get it and he should get 10 3s a night.”

Umiskor naman si O.J. Mayo ng 13 points para sa Mavericks dahil na rin sa mahigpit na depensa sa kanya ni Bryant.

Iniskor ni Bryant ang una niyang puntos sa second quarter para ilagay ang Lakers sa 41-23 bago niya ito palakihin sa 20 sa 8:54 sa first half.

Kumonekta si Bryant ng isang 3-pointer sa huling 1.9 segundo sa second quarter para ilayo ang Los Angeles sa Dallas, 65-38, sa halftime.

Sa iba pang laro, tinalo ng Miami ang Cleveland, 110-108; tinakasan ng Oklahoma City ang Philadelphia sa overtime, 116-109; giniba ng Atlanta ang LA Clippers, 104-93; pinayukod ng Chicago ang Milwaukee, 93-86; at iginupo ng Sacramento ang Utah, 108-97.

ANTAWN JA

BRYANT

DALLAS MAVERICKS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

METTA WORLD PEACE

MIKE D

OKLAHOMA CITY

WORLD PEACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with