MANCHESTER, England --- Muling nagretiro si dating world light welterweight titlist Ricky Hatton matapos matalo kay Ukrainian welterweight Vyacheslav Senchenko via ninth-round knockout sa harap ng 20,000 fans sa MEN Arena.
Nauna nang isinabit ng 34-anyos na si Hatton ang kanyang mga boxing gloves makaraang patulugin ni Manny Pacquiao sa second round noong Mayo ng 2009.
Nakipagsabayan ang two-time world champion sa 35-anyos na si Senchenko bago napagod sa dulo ng laban.
Bumagsak si Hatton at hindi na nakatayo pa kontra kay Senchenko, inagawan ng kanyang world title ni American Paulie Malignaggi noong Abril.
“I needed one more fight to see if I had still got it - and I haven’t,” sabi ni Hatton sa isang post-fight news conference.
Si Hatton ay may 43-2-0 win-loss-draw ring record, habang dala ngayon ni Senchenko ang 34-1-0 (22 KOs) slate.
Samantala, pumanaw na si three-time world boxing champion Hector ‘Macho’ Camacho apat na araw matapos siyang mabaril sa mukha sa isang drive-by shooting.