Zamboanga, Bohol nagpaparamdam

TACLOBAN CITY, Philippines --Bumuhat ng gintong medalya si weightlifter Mary Flor Diaz ng Zamboanga City kagaya ng mga atleta ng  Bohol sa Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commissioner Batang Pinoy 2012 Visayas leg kahapon sa Leyte Sports Development Center.

Ang pinsan ni two-time Olympian Hidilyn Diaz ay nag­tala ng 42 kg sa snatch, 55kg sa clean at 97 kg. sa jerk upang sikwatin ang gold medal sa girls 40kg category sa weightlifting event na nagsisilbing national finals.

Ito ang ikalawang ginto ng Zamboanga City matapos ang panalo ni Margareth Colonia sa girls above-44kg class na bumuhat ng 50-61-111.

Ang 13-anyos na high school sophomore ng Universidad de Zamboanga ay isang double gold winner sa Philippine National Games at silver winner sa Palarong Pambansa.

Humugot naman ng dalawang ginto ang Bohol sa likod nina Ma. Paula Lanit at Elien Rose Perez na nagposte ng 25-32-57 para sa girls 36kg at 50-61-111 para sa girls 44kg, ayon sa pagkakasunod.

Sa athletics, siyam na ginto ang itinakbo ng Leyte Sports Academy kung saan ang apat dito ay sa boys at girls relay events.

Show comments