^

PSN Palaro

Lopez sa POC: NSAs respetuhin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabubuhay ang Philippine Olympic Committee dahil sa mga National Sports Associations kaya’t nararapat lamang na res­petuhin ng POC ang autonomy na taglay ng mga NSAs.

Ito ang tinuran ni POC first vice president Manny Lopez na tatakbo uli sa nasabing puwesto sa gaganaping halalan sa Nobyembre  30 sa Alabang Country Club.

Ang patuloy na panghihimasok ng POC sa mga problema ng NSAs, ayon kay Lopez, ang siyang tunay na nagiging hadlang para sa pag-unlad ng palakasan sa bansa.

“It is the NSA that is responsible for its activities including the performance of its athletes and accountable also for the results of and the returns on the PSC fi­nan­cial assistance given to them (NSAs),” wika ni Lopez.

“As long as the NSA does not contravene provisions of the Olympic Charter or of the POC Constitution & By-Laws, the POC must stay away,” dagdag ni Lopez.

Ang pagrespeto sa mga NSAs ang isa sa mga isusulong ng kanyang grupo kapag naupo sa POC.

Kasama ni Lopez sa kanyang tiket sina Monico Puentevella bilang chairman, Abraham “Bambol”  Tolentino bilang 2nd vice president, Romy Ribano bilang treasurer, Godofredo Galindez Jr. bilang auditor at sina Atty. Victor Africa, Gener Dungo at Hector Navasero bilang board members.

Ang nakaupong pangulo ng POC na si Jose Cojuangco Jr. ay tatakbo uli sa nasabing puwesto at kasama niya sa kanyang tiket sina Tom Carrasco (chair­man), Joey Romasanta (1st VP), Jeff Tamayo (2nd VP), Julian Camacho (treasurer), Prospero Pichay (auditor) at Cynthia Carrion, Jonnie Go, Dave Carter at Ernesto Echauz bilang board members.

 

ALABANG COUNTRY CLUB

CYNTHIA CARRION

DAVE CARTER

ERNESTO ECHAUZ

GENER DUNGO

GODOFREDO GALINDEZ JR.

HECTOR NAVASERO

JEFF TAMAYO

JOEY ROMASANTA

LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with