^

PSN Palaro

Grupo ni Sen. Trillanes humirit ng TRO para sa POC election

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumulog na rin sa korte ang isang paksyon ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) upang hilingin na huwag pahintulutan ang karibal na grupo na katawanin ang asosasyon sa gaganaping POC election sa Nobyembre 30.

Si Jacinto Omila Jr. na chairman ng TATAP na pina­ngungunahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang lumapit sa Manila Regional Trial Court Branch 24 para magpalabas ng Writ of Preliminary Injunction/Temporary Restraining Order sa katunggaling grupo na pinamumu­nuan ni Ting Ledesma.

Ang aksyon ni Omila ay base sa pagkilala na ibinibigay ng SEC sa kanilang grupo upang maging lehitimong asosasyon sa table tennis.

Ang grupo ni Ledesma naman ay may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC).

Kasabay ng pagpapalabas ng TRO ay nais din ni Omila na ideklara ng korte na sila ang dapat na dumalo sa halalan. Tinanggap ng Korte ang nasabing reklamo noong Nobyembre 16.

Ito ang ikalawang problema sa korte na may kinalaman sa POC election.

Ang una ay nang magpalabas ang Supreme Court na kautusan na pumapanig sa desisyon ng Pasig Re­gional Trial Court na nagsasabing ilegal ang pagkaka-deklara bilang persona non grata ng POC General Assembly kay athletics president Go Teng Kok.

Si Go ay tumatakbo sa pampanguluhan ng POC ka­laban ang nakaupong si Jose Cojuangco Jr.

vuukle comment

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

JOSE COJUANGCO JR.

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NOBYEMBRE

OMILA

PASIG RE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SENADOR ANTONIO TRILLANES

SI GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with