Sa pagbubukas ng 75TH UAAP Women’s Volleyball NU tossers mas palaban ngayon
MANILA, Philippines - Hindi maaaring isantabi ang lakas ng host National University sa pagbubukas ng Season 75 UAAP women’s volleyball sa Disyembre 1 sa The Arena sa San Juan City.
Makakasama na ng Lady Bulldogs ang mga nagbabalik na sina spiker Dindin Santiago at libero Jen Reyes para paigtingin ang kalidad ng laro upang makabangon matapos ang 4-10 karta noong nakaraang taon.
Ang 6’1 na si Santiago ay makakasama ng NU sa UAAP sa unang pagkakataon matapos silbihan ang 2-year residency dahil sa paglipat mula sa UST.
Si Reyes ang kanilang pambatong libero na hindi nakasama noong nakaraang season.
“The players are working hard in every training,” wika ni Vicente. “Expected namin ngayon na mas maganda ang magiging finish namin dahil mas lumalim kami at ang suporta ng management ay all-out pa rin.”
Bukod sa dalawang nabanggit ay aasa rin ang NU sa lakas nina Cai Nepomuceno, Myla Pablo at setter Ive Perez.
“We have set our goals in improving and we’re confident we’ll be able to achieve it in volleyball,” wika ni NU athletic director Junel Baculi.
Sa pagbubukas ng liga masisilayan ang lakas ng Lady Bulldogs sa pagharap sa Adamson sa ganap na alas-2 ng hapon.
Kasunod nito ay ang tagisan ng Ateneo at Far Eastern University dakong alas-4.
- Latest