Rondo nagpasiklab sa pagbabalik; Celtics dinala sa panalo

BOSTON--Bumalik si Rajon Rondo matapos umupo kamakalawa dahil sa isang sprained right ankle injury para tulungan ang Boston Celtics sa 107-89 panalo laban sa Toronto Raptors..

Nagtala si Rondo ng 20 assists sa ikalawang pagkakataon ngayong season bukod pa sa kanyang 6 points para sa panalo ng Celtics.

Umiskor naman si Ja­son Terry ng 20 points kasu­nod ang 19 ni Paul Pierce bago ipahinga sa fourth quarter, habang tumipa si Kevin Garnett ng 15 mar­kers sa loob ng 17 minuto.

“We have an offense and then he creates ano­ther offense at times,’’ sabi ni Boston coach Doc Rivers kay Rondo na hindi naglaro sa kabiguan ng Boston sa Brooklyn noong Huwebes dahil sa kanyang ankle injury.

Nagtala si Rondo ng 11 assists sa halftime para sa Celtics na hindi na pinaba­yaang makalapit ang Raptors sa fourth quarter.

Nag-ambag naman si rookie Jared Sullinger ng kanyang unang career double-double na 12 points at 11 rebounds para sa Bos­ton.

Binanderahan nina An­drea Bargnani at John Lucas ang Toronto mula sa kanilang tig-15 points.

Sa iba pang laro, nanalo ang Utah sa Washington, 83-76; Memphis sa Charlotte, 94-87; Dallas sa Cleveland , 103-95; Miami sa Phoenix, 97-88 at San Antonio sa Denver, 126-100.

 

Show comments