Bedans-A mainit ang simula sa pagdedepensa ng titulo sa MMBL

MANILA, Philippines - Binuksan ng Division 1 champion San Beda-A  ang kampanya sa matagum­pay na pagdepensa sa titulo sa pamamagitan ng 97-53 panalo sa UST sa 30th Seaoil-Metro Manila Basketball League noong nakalipas na linggo sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

May  20-laro ang idina­os sa iba’t-ibang venue at hanap ng mga kasali ang mapasama sa Sea­oil-NBTC Junior National Championship.

Ang kampeon sa Division 2 na Xavier School B ay inilampaso ang SSCR-B, 89-70,  habang ang iba pang resulta ay San Beda-B na nanalo sa NU-B, 77-73; ang NU-A ay nanaig sa Malayan-A, 71-57; at Xavier School-A ay wagi sa San Sebastian, 84-72.

Ang Chiang Kai Shek-A ay nalo sa La Salle Zobel-A, 77-72, habang ang FEU B ay lusot sa Chiang Kai Shek-B, 64-49, na nangyari sa Philsports Arena sa Pasig City habang dinurog ng Rich Golden Montessori School, Chaing Kai Shek at DLSZ ang Gymnazo Christian School (104-53), St. Jude Catholic School (66-19) at Casimiro Ynares Memorial School (61-24) na nangyari sa San Beda Gym.

Si multi-titled San Beda coach Ato Badolato ang siyang nagtatag ng MMBL noon pang 1983 at ipinagmamalaki nito na nakatulong sa paghubog sa husay nina Benjie Paras, Yancy at Ranidel de Ocampo, TY Tang at Joseph Yeo na naglaro sa PBA.

 

Show comments