MANILA, Philippines - Sa Nobyembre 24 ipagdiriwang ni Filipino world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria ang ang kanyang ika-32 kaarawan.
At gusto niyang makuha kaagad ang kanyang ‘birthday gift’ sa pamamagitan ng panalo kontra kay Mexican flyweight tilist Hernan ‘Tyson’ Marquez.
Magsasagupa ang 31-anyos na si Viloria at ang 24-anyos na si Marquez sa isang unification championship fight bukas sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.
Sa kanilang pinakahuling press conference kahapon, sinabi ni Viloria, ang kasalukuyang WBO flyweight king, na kumpiyansa siyang mananalo kay Marquez, may bitbit ng WBA flyweight belt.
“I feel confident. This match is going to be one for the ages,” sabi ni Viloria sa kanilang upakan ni Marquez.
Ibinabandera ni Viloria ang kanyang 31-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 knockouts, habang hawak ni Marquez ang kanyang 34-2-0 (26 KOs) card.
“I know all of Tyson’s moves and I have the ideal style to beat him because Marquez is always coming forward and his movements are very predictable,” ani Viloria kay Marquez.
Sinabi naman ni Marquez na hindi niya pasasayawin si Viloria ng Hawaiian hula kagaya ng ginagawa nito sa tuwing mananalo.
“You will have no victory or dance because I will be taking those two belts to Mexico,” ani Marquez.
Si Filipino world eight-division champion Manny Paquiao ang uupo sa ringside at magsisilbing commentator para sa GMA Channel 7 at sa Mexican broadcast station na Azteca 7.
Nasa undercard ng Viloria-Marquez unification fight ang non-title bout nina Filipino Drian Francisco (23-1-1, 18 KOs) at Mexican Javier Gallo (18-5-1, 10 KOs).