Laban niya kay Marquez isasaere ng GMA 7, Viloria may mga bagong techniques na ipapakita

MANILA, Philippines - Inaasahan nang magi­ging matindi ang upakan ni­­na WBO flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria at WBA flyweight titlist Hernan ‘Tyson’ Marquez ng Mexico sa Linggo.

Mapapanood ang ina­abangang labang ito na pi­­namagatang ‘Champion vs. Champion: Brian ‘The Ha­­waiian Punch’ Viloria vs. Her­­nan ‘Tyson’ Marquez’ via sa­­tellite sa GMA 7 sa ganap na alas-3 ng hapon (pagka­ta­pos ng Party Pilipinas) mu­­la sa LA Sports Arena sa Ca­lifornia.

Si Robert Garcia ng Me­xico ang tumatayong chief trainer ni Marquez na siyang dating nasa corner ni Viloria noong 2010.

Ayon kay Viloria, hindi ni­ya ito nakikita bilang isang ha­mon taliwas sa maaaring iniisip ng kabilang kampo.

“I am not worried in the least. It has been two years since I’ve been with Garcia and I have changed my style and strategies considerably,” ani Viloria. “They (Team Garcia) think they know me but they are wrong.”

Sinabi pa ng 31-anyos na Fil-American na marami na siyang natutunan at nabuong mga bagong tech­niques na handa niyang ipa­kita sa ibabaw ng bo­xing ring kontra kay Marquez.

Si Viloria ay ginagaba­yan ni Freddie Roach.

“My winning streak against Mexican fighters will con­­tinue and the Mexican style fits well within my style,” sa­bi ni Viloria na tinaguriang ‘The Mexecutioner’ matapos ta­lunin si­­na Julio Cesar Miranda, Gio­vani Segura, at Omar Niño Romero.

Show comments