MANILA, Philippines - Magpapasiklaban ang mga bata at papasibol na taekwondo jins sa paglarga ng 2012 SMART National Age-Group Taekwondo Championships sa Ninoy Aquino Stadium mula Nobyembre 17 hanggang 18.
Inorganisa ng Philippine Taekwondo Association ang torneo na may suporta rin ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, SMART Communication, MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at Milo.
Nasa 1,000 atleta ang inaasahang maglalaro sa mga dibisyon na juniors men at ladies (14-16 age bracket) at gradeschool boys at girls (13-below).
“This event gives our aspiring fighters, some as young as four years old, the chance to test what they have learned so far,” wika ni Sung Chon Hong, ang VP ng PTA at chairman ng organizing committee.
Bago ito ay nagpadala ang Pilipinas ng panlaban sa Korean Open at nanalo sila ng limang ginto, pitong pilak at 14 bronze medals. Ang mga kasama rito ay natuklasan sa torneong ito.
“By joining tournaments like the age-group, our boys and girls get to hone their skills early,” dagdag ni Hong.