MANILA, Philippines - Tinalo ng nagdedepensang Star Group of Publications ang Smart Communications, 94-73, para kunin ang liderato ng MBL Corporate Cup 2 basketball tournament sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Nagtuwang sina Dennis Rodriguez,Jhong Bondoc, Ver Roque at Niño Marquez para sa ikatlong sunod na arangkada ng Star Group sa annual tournament na inorganisa ng MBL katulong ang Ironcon Builders, Zucchero Cafe at Dickies Underwear.
Tumapos si Rodriguez na may team-high 18 points na lahat ay mula sa three-point area para sa Alfred Bartolome-mentored na Star Group.
Nauna nang tinalo ng Star Group ang Victoria Court, 107-67, at PRC Couriers, 75-72.